Dahil sa dalas ng dalaw kay Dra. Belo... Jinkee nag-iba na ang hitsura

Seen : Ang mga billboard sa San Juan nina former President Joseph Estrada at Guia Gomez, kasama ang kanilang anak na si Mayor JV Ejercito, ang asawa at anak nito.

Scene : Bumababa ang popularidad ng loveteam nina Kris Bernal at Aljur Abrenica dahil nililinlang nila ang fans. For reel at hindi for real ang kanilang loveteam.

Seen : Ang posters ng Wapakman. Nakalagay sa billing ang pangalan ni Krista Ranillo at ang kanyang litrato.

Scene : Abnormal ang pagkaputi ng mga ngipin ni Rhian Ramos dahil sa flourosis. Nobody’s perfect.

Seen : Sarado na ang Tiangge Mall sa Green­hills na pag-aari ng pamilya ni Cogie Domingo.

Scene : Magkasunod na linggo ang kasal nina Ciara Sotto at Rica Peralejo sa January 2010. Ikakasal sila sa kanilang mga boyfriend na parehong walang kinalaman sa showbiz.

Seen : Malayung-malayo na ang itsura ni Jinkee Pacquiao sa kanyang twin sister na si Janet dahil sa madalas na pagpunta niya sa clinic ni Dra. Belo. Hindi na sila mukhang magka­kam­bal.

Scene : 2009 MMFF Best Picture ang Ang Pan­day, 2nd Best Picture ang I Love You Goodbye ng Star Cinema at 3rd Best Picture ang M-Zet at OctoArts Films ang Ang Darling Kong Aswang.  

Show comments