Dra. Belo dahilan ng depression ni Dr. Hayden

SEEN : Si Yuri ang pinalabas sa PBB House noong Linggo. Madaling hulaan ang PBB evictee.

Hindi pa maaaring palabasin si Hermes Bautista dahil sinusubaybayan ang kuwento nila nina Carol at Cathy.

SCENE : Guest si Paolo Bediones sa lahat ng mga shows ng TV5 mula nang iwanan niya ang GMA 7.

SEEN : Si Susan Roces sa 50th wedding anniversary nina Joseph Estrada at Dra. Loi Estrada sa Tanay Rizal noong Linggo.

SCENE : Pinigilan si Cesar Montano ng mga Zobel de Ayala na kumandidatong gobernador ng Bohol.

Ayaw nila na pumasok si Cesar sa pulitika.

SEEN : Ang pakikipaghiwalay ni Dra. Victoria Belo kay Dr. Hayden Kho, Jr. ang itinuturong dahilan ng depression ng dating contestant ng Celebrity Duets.

SCENE : Hindi convinced ang mga reporters sa mga sagot ni Piolo Pascual tungkol sa relasyon nila ni KC Concepcion.

Hindi komportable si Piolo kung tungkol sa kanyang lovelife ang pinag-uusapan.

SEEN : Si Eugene Domingo na ang nagma-manage sa sariling career. Siya na ang nakikipagtawaran sa mga producers sa kanyang talent fee.

Show comments