Pagka-tsugi ni Dina sa May Bukas pa 'di puwedeng ilihim

Naloka at malakas na tawa ang reaksiyon nina Julie Ann Benitez at Biboy Arboleda sa sinabi ko nang magkita-kita kami sa presscon para kay Jolo Revilla noong nakaraang linggo.

Naloka ang dalawa dahil alam ko ang rason kaya natsugi ang karakter ni Dina Bonnevie sa May Bukas Pa.

Takang-taka sila dahil knows ko ang true reason kaya pinatay nang wala sa oras ang karakter ni Dina.

Para que pa’t naging tsismosa ako kung hindi ko malalaman ang the truth and nothing but. Hindi ako puwedeng paglihiman ‘noh.

Dahil totoo ang mga nalalaman ko, natawa na lang sina Biboy at Julie Ann. Hindi na nila kinontra ang mga sinabi ko dahil pawang katotohanan lang ang namumutawi mula sa aking kissable mouth. Mouth daw o!

* * *

Pinag-uusapan pa rin ang katatapos na concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum.

Kuwento ng eyewitness ko, punong-puno ang Araneta Coliseum.

Hindi talaga ako nagkamali ng paborito. Isipin mo, box-office queen concert pa.

* * *

Painit nang painit ang kuwento sa Rosalinda. Kaya say ng source, nagkakainitan na rin sa totoong buhay ang mga bida nito.

Kung super sweet noon, ngayon daw posibleng magkahiwalay ang landas ang dalawa dahil sa tumitinding problema sa pagitan nila Carla Abellana at Geoff Eigenamann. Pero sa teleserye nga lang.

Heto read ninyo at nang maintindihan ninyo ha : 

Ito ngayon ang hindi kagandahang sitwasyon ng relasyon ng dalawang GMA Telebabad stars dahil sa mga naiibang priorities ni Carla sa buhay. Nag-ugat ang problema sa pagitan nila Carla at Geoff dahil sa selos at kawalan ng oras ni Carla para sa huli. Mas madalas kasing ibang tao ang iniintindi ni Rosalinda at hindi si Geoff. Hindi na nga ba mahal ni Carla si Fernando Jose?

Dahil rito, posibleng maghiwalay ng tuluyan ang dalawa bilang mag-asawa matapos maghain ng annulment case si Fernando Jose. Malaman pa kaya nila Rosalinda at Fernando Jose na planado pala ng mga taong nakapaligid sa kanila ang nakaambang pagkawasak ng kanilang pamilya? Matapos ang maraming pagsubok, wala na bang pag-asang maibalik pa ang dating pagtitinginan sa pagitan nila Fernando Jose at Rosalinda? 

O hayan huwag palagpasin ang mas umiinit na mga eksena sa Rosalinda gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad. 

Show comments