Katrina Halili back to work

SEEN : Si Katrina Halili sa Taal, Batangas.

Kahapon ang first taping day ni Katrina para sa Rosalinda. Siya ang kontrabida ni Carla Abellana sa Tagalog version ng Mexican telenovela.

SCENE : Dadalhin sa kanyang bahay sa Lucban, Quezon ang abo ni Douglas Quijano.

Pagdedesisyunan ang gagawin sa abo ni Douglas sa 40th day ng kamatayan niya.

SEEN : Nais malaman ng mga fans ni Richard Gutierrez ang dahilan ng hindi niya pagsipot sa anniversary show ng GMA 7 sa Araneta Coliseum noong Biyernes.

SCENE : Mapalad ang direktor at mga artista ng Villa Estrella ng Star Cinema dahil sa suporta ng ABS-CBN sa kanilang pelikula.

Sunud-sunod ang plugging ng ABS-CBN sa 16th anniversary presentation ng Star Cinema.

SEEN : Si Marian Rivera sa presscon kahapon ng 2009 YES! 100 Most Beautiful   Stars issue. Long red gown ang suot ni Marian.

SCENE : Ang live appearance ni Maricar Reyes sa ASAP ’09 noong Linggo. Siya ang kapareha ni Jason Abalos sa pagrampa.

Kahawig si Maricar ni January Isaac aka Lumen.

SEEN : Idinenay ng kampo ni Sen. Manny Villar ang balita na nililigawan ni Willie Revillame ang kanyang anak na si Camille. Hindi totoo ang tsismis.

SCENE : “Mommy Oprah” ang term of endearment ni Charice kay Oprah Winfrey.

Ang tanyag na TV host ang nagbigay ng malaking break sa singing career ni Charice sa Amerika.

Show comments