Beauty Queens rarampa sa 700 club Asia

MANILA, Philippines – Paano ba masasabi na pang-beauty queen ang ganda ng isang babae?

Sa darating na Miyerkules, May 20, tampok ang mga naggagandahang title holders ng mga pamosong beauty pageants.

Sina Bb. Pilipinas Universe Chiqui Brosas-Hahn at ang kanyang anak na si 2009 Bb. Pilipinas 2nd runner up, Regina Hahn, ay makikipagkwentuhan kay Coney Reyes kung paano maging mag-inang title holders. Mayroon nga bang pressure mula sa inang dating beauty queen?

Alamin ang sagot sa tanong na “What is the essence of a woman?” mula kina 2005 Miss International Precious Lara Quigaman at 2001 Bb. Pilipinas-Universe Atty. Zora Ruth Andam. Ano nga ba ang dapat na taglay ng isang beauty queen?

Ang Beauty Queens episode ng The 700 Club Asia ay mapapanood sa Miyerkules ng 11 p.m. sa Q Channel 11.


Show comments