Concert-cum-car show dinagsa ng libu-libo

MANILA, Philippines - Dinumog ang opening Summer Treat ng Sun Cellular at Greenhills Shopping Center na tinawag na G-Strip Rewind: An 80s Concert & Car Show. Libu-libong 80s music fans and vintage car aficionados ang nakisaya sa once-in-a lifetime musical treat at exhibit ng mga hard-to-find cars na ito.

Magdamagang, naki-jamming sa mga partygoers through their own rendition of all-time favorites at classic hits from the 80s ang mga sikat na banda tulad ng: The Jerks, Luna, Color It Red, Nexxus, Truefaith, The Dawn at Wency Cornejo.

Hindi rin malilimutan ang once-in-a-lifetime duet performance nina Wency at True Faith vocalist Medwin Marfil na isa sa naging main highlight ng naturang concert. At para makumpleto ang New Wave and Punk Rock genre, naroon din ang The Dawn.

Habang masayang nakiki-party ang mga 80s music enthusiasts, hindi rin nabigo ang mga car lovers sa dazzling display of classic wheels featuring mitsulancerph, old-schooler auto club at classic auto club.

Naging mas exciting ang gabi nang namigay ang Sun Cellular ng fun prizes at freebies na talaga namang ikinatuwa ng audience.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa value-added treats ng Sun Cellular, mag-log-on sa website na www.suncellular.com.ph o tumawag lang sa Sun hotline 200 gamit ang inyong Sun mobile phone o 395-8000 mula sa inyong landline.

Show comments