Sexbomb Aira lulong sa droga?

Twenty sixth year pa lang ang Luna Awards ng Film Academy of the Philippines, but the recently concluded ceremonies looked like it were their 50th or golden year.

Kulay gold kasi ang mga tropeo or statuettes of a woman with a wreath held up high. Ang nakakaaliw, halatang hindi pa tuyo ang gold finish, na nang tanggapin at hawakan daw ng mga nanalo ang tropeo ay kumapit daw sa kanilang mga kamay ang pintura.

For a change, the winners painted the town gold!

* * *

From Luna Awards, dadalo ako sa Luna Mystika which, to my recollection, is GMA 7’s fantaserye whose presscon I last attended.

Limang bagong karakter na iniluwa ng impiyerno ang mga dadagdag sa cast, one of whom ay ang kaibigang Eagle Riggs na siyang papatay kay Aljur Abrenica. Hindi ko lang ma-imagine how Eagle is able to juggle his work schedule given his daily exposure on Unang Hirit sa mga remote telecast nito from fiesta to festival. Knowing how gruelling such taping hours can be, hindi kaya may preferential treatment kay Eagle na hindi puwedeng magpuyat?

And if this is the case, am I to assume na inaalmahan ito ng co-star niya sa Luna Mystika na si John Lapus? In fairness though to Sweet, todo asikaso naman daw ito kay Eagle ’pag nagkakasabay ang kanilang taping sked, short of making amends dahil hindi man lang niya kinokontak si Eagle buhat noong mapadpad sa Kapuso network.

Katwiran daw ni Sweet, he lost Eagle’s contact number. Such flimsy reason. Kung ako nga mismo, nakuhang kontakin ni Eagle, sila pa kaya ni Sweet gayong galing sila sa kabilang istasyon? Anyway, Eagle’s role in Luna Mystika reaffirms that not only is he armed with hosting skills, kundi kaya rin niyang umarte… minus the prima donna attitude!

* * *

Natatawa na lang si Joy Cancio, choreographer-manager ng Sexbomb Girls, sa tsikang kaya raw nawala sa sirkulasyon ang alaga niyang si Aira Bermudez ay dahil nalulong daw ito sa droga. Isang reporter na rin ang nag-text kay Joy upang kumpirmahin ito, only to be told that Aira’s six-month absence was due to her stint in Japan na bahagi rin ng kanilang business deals abroad.

To begin with, how could Aira have been looked on drugs, samantalang napaka-energetic nito?

Less than amused nga si Joy sa balitang nagda-drugs si Aira, dahil karaniwan na raw ito sa itsinitsismis na buntis ang sinumang babaeng nawawala from public view.

Show comments