Paolo dapat manghingi ng advice kay Mark

Seen :  Ang  mga text message na umiikot na may kinalaman pa rin sa mysterious death ni Marky Cielo. Tahimik na si Marky. Let him rest in peace.

Scene : Kinasasawaan at kinabubuwisitan na ang mga pahayag ni Hayden Kho tungkol sa paghihiwalay nila ni Dra. Vicki Belo.  Nakakakilabot na ang kanyang mga drama.

Seen : Sa lahat ng mga nagtangkang magpakamatay, si  Hayden Kho ang pinakamabilis na naka-recover. Nakapaglaro kaagad  siya sa game segment ng Eat Bulaga noong Huwebes.

Seen : Sina Christopher De Leon, Sandy Andolong, Mark Anthony at Melissa Fernandez sa Alabang Town Center Cinema. Pinanood nila ang Baler. Personal na tinawagan ni Mark si Phillip Salvador upang i-congratulate ito sa best supporting actor na napanalunan sa MMFF awards night.

Scene : Magkaibigan sina Mark Herras at Paolo Contis. Ex-girlfriend ni Mark si Lian Paz na  rumored current girlfriend ni Paolo. Habang nasa getting-to-know each other sina Lian at Paolo, dapat humingi ng advice ang huli kay Mark para  hindi niya maranasan ang sad experience ng kaibigan.

Seen :  Si Kara DioGuardi, ang record producer na  bagong judge ng American Idol Season 8. Ipakikilala si Kara sa pagsisimula ng American Idol sa January 13. Mapapanood sa QTV 11 ang  Season 8 ng American Idol.

Seen : Si Kim Chiu sa presscon ng Tayong Dalawa. Alarmingly thin si Kim.

Scene :  Ngayon ang birthday ni Ferdinand “Vhong”  Navarro. Taon na ang ibinibilang ng relasyon nila ni Desiree Del Valle. Nagtatagal ang kanilang relasyon dahil discreet sila.

Seen :   Malakas ang nightclub na pag-aari ni Manny Pacquiao. Hollywood ang pangalan ng nightclub sa Timog Avenue, Quezon City.

Scene :  Helen Vela ang binanggit na pangalan  ni Cherrie Pie Picache  sa presscon kahapon ng  Tayong Dalawa. Si Helen Gamboa ang tinutukoy niya co-star ni Cherrie Pie sa Tayong Dalawa.

Show comments