Letter Day Story best college band ng Soundskool

Ang grand champ ng Soundskool na mula Southeast Asian College na tumalo sa 12 finalists kamakailan lang ay ang Letter Day Story.

Tuwang-tuwa ang banda, ang sabi ng bokalistang si Aldrick Yu: “We have high respect for all the bands that competed against and it was really a tough competition.”

Daan-daan kasing mga banda ang nagsipagsalihan noong umpisa pa lang ng college band contest ng Nescafé Soundskool hanggang natira ang 13 grand finalists. Pinili ng mga huradong sina Eileen Rose Bangcoro (Nescafe marketing and promotions manager), Vic Valenciano (SonyBMG Music A&R director), Jerrick John Mina (SonyBMG), John Hendrix (FM radio DJ), at Darwin Hernandez (Soupstar Entertainment) na talaga namang nahirapan sa mga sumali.

Nakuha ng Letter Day Story ang P250,000 cash at ang SonyBMG Music record deal. Nakatanggap din ang school nila ng P150,000 worth of band set up.

Para malaman ang kabuuan ng mga naganap na finals night sa Ultra, mag-log on sa www.nescafe3in1.com.ph.

Show comments