^

PSN Showbiz

Boyet, running mate ni Vi sa pagka-gobernador ng Batangas?

-
Tiyak na magbubunyi ang mga viewers na may galit kay Christopher de Leon sa soap dramang Maging Sino Ka Man dahil in a few weeks time ay aalis na siya dahil kumpirmadong kakandidato siya sa bayan ng Batangas.

Tsika sa amin ng aming source na aksidenteng narinig niya ang meeting ng buong staff ng MSKM kung anong magandang anggulo ang gagawin sa pag-alis ng magaling na aktor, kung papatayin ba ito o magpapakamatay o biglang mawawala na lang sa istorya.

Naging salbahe na kasi ang role ni Boyet bilang ama ni Bea Alonzo o Jackie dahil ayaw nitong makatuluyan niya ang hampaslupang si Eli o John Lloyd Cruz, kaya’t pinabugbog niya ang angkan ng aktor.

At kung hindi kami nagkakamali ay hanggang April pa ang nasabing soap drama ng ABS-CBN kaya’t ini-imagine rin namin kung paano papatayin sa istorya si Boyet.

Anyway, kung tama rin ang tsika sa amin ng aming source ay Vice-Governor daw ang posisyong tatakbuhin ng aktor bilang running mate naman ni Mayor Vilma Santos na kakandidatong Governor ng Batangas.
* * *
Isa pang tsikang aming nalaman na ipinaalam na pala si Sam Milby kay Toni Gonzaga na ‘sila’ na ni Anne Curtis.

"Hindi diretsahang sinabing she’s my girlfriend, kundi, we’re dating. At gets na ni Toni ‘yun no! In fact, ngumiti pa nga siya, pero deep inside, umiiyak na ang puso no’n," kuwento sa amin.

Sabagay, nabanggit na rin ito sa amin ng aming spy na maski saan magpunta ngayon si Anne ay nakasunod ang kanyang leading man sa Maging Sino Ka Man.

Hindi kaya sa sama ng loob ay idinaan na lang ni Toni sa pagbili ng kanyang dream car na BMW ang pagkabigo kay Sam?

At ang nakakalokang parte, sa set pa mandin ng You Got Me, bagong pelikula nina Sam at Toni plus Zanjoe Marudo under Star Cinema nabanggit ng Amboy sa tv/ host/actress ang tungkol kay Anne.

Buti pala hindi nasira ang mood ni Toni nung kunan sila ng eksena ni direk Cathy Molina (nanganak na pala).
* * *
Dahil sa magandang chemistry nina Ms. Aiai delas Alas at Ogie Alcasid sa nakaraang concert nilang tatlo nina Regine Velasquez na Forever After sa Araneta Coliseum last year ay muling ibinalik ng producer na si Ms. Anna Puno ang dalawang performers ngayong February 13 at 14 sa Music Museum.

Love to Laugh ang titulo ng 2 night show nina Aiai at Ogie at promise ng dalawa na this time ay ibang-iba ang show nila sa mga nakaraan dahil seryoso ang komedyanang aktres this time.

"You have to watch Aiai, ibang-iba siya, hindi na siya balahura, pero may gagawin siya sa ending.

"At bilib ako, ang tataas ng kanta niya, nakaya mo ‘yun?" sabay lingon sa kanyang ka-partner.

May Walt Disney medley si Aiai at iba pang sikat na awitin ng mga divas at iba pa ang dueto nila ni Ogie.

"Tig-ten songs kami, iba pa ‘yung duet, kaya more than 20 songs kami," saad ng komedyanang aktres.

At ibinuking na rin ni Ms. Aiai na may gagawin siya kay Ogie sa show, "Hihipuan ko siya, wala akong pakialam kung may magagalit o magseselos, basta gagawin ko ‘yun," nakangiting say nito.

"At kung magseselos si Regine, hindi ko siya masisisi kasi maganda ako," dagdag pa.

At si Ogie, "Okey lang, hipuan mo ako, hindi kita pipigilan."

After ng Music Museum nila ay dadalhin naman ang Love to Laugh sa Vancouver, Calgary, Edmonton at Winnipeg Canada at sa Los Angeles, San Francisco, Las Vegas, Chicago, USA middle of this year.

Paano ‘yun Ogie, hindi kasama si Regine sa show, hindi kaya maiinggit at ma-miss ka?

"E, di isama siya, puwede naman ‘yun," napangiting sambit ng tv host/actor na napangiti naman ng lihim si Ms A. — Reggee Bonoan

vuukle comment

AIAI

ANNE CURTIS

MAGING SINO KA MAN

MS. AIAI

MUSIC MUSEUM

OGIE

SIYA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with