^

PSN Showbiz

Pappy pa rin ang tawag kay Polo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Matagal ng break sina Alessandra de Rossi at Polo Ravales at may kani-kanya na silang love life pero, nanatili silang magkaibigan. Masaya nga ang dalawa na magkasama sila sa Season 6 ng Now & Forever (Linlang) na magsisimulang mapanood ngayon sa GMA-7.

"Pappy" pa rin ang tawag ni Alex kay Polo at ‘pag tinatawag nito ang actor, may kasama pang labas ng dila. Pati si Jeremy Marquez na boyfriend ng actress ngayon ay ganoon din ang tawag sa ex-boyfriend ng girlfriend at ginagaya ang paglabas ng dila ‘pag binabati si Polo.

Kitang comfortable pa rin si Alex kay Polo dahil sa harap nito’y nagpalit ng blouse at kayang humarap na naka-sando. Never din daw pinagselosan ni Jeremy si Polo at magkaibigan ang dalawa. Nadinig din ng actor nang sabihin ni Alex na pantay-pantay ang pagmamahal niya sa mga naging boyfriend.

"Lahat sila minahal ko. Lahat din in-imagine kong pakakasalan sa tamang panahon, pati si Biboy Ramirez na isang heartbreaker," wika ni Alex.
* * *
Paghahatian nina Aiai delas Alas at Allan K. ang 3rd year anniversary presentation ng Klownz Araneta at pabonggahan sila ng guests. Si Allan ang performer ngayong Lunes July 24, July 26 (guests sina Ara Mina at Ogie Alcasid) at July 29 with the cast of Eat Bulaga as guests.

Si Aiai ang nakatoka sa July 25 (guest si Sam Milby), July 27 (guests sina Keanna Reeves at Rustom Padilla) at July 28 (guests ang cast ng Bituing Walang Ningning gaya nina Zsazsa Padilla, Angelika dela Cruz, Mica, Jay, Cris at Carlo Aquino). Wala si Sarah Geronimo’t may shoot ng bagong commercial.

Ayaw munang pag-usapan ni Aiai ang nabanggit noong balak nilang paglipat sa Klownz sa Mall of Asia dahil sa mataas na renta dahil may nag-react. Kundi sa MOA, baka sa Eastwood sa Libis sila maghanap ng bagong location.

Inalam ni Aiai sa press kung may kilalang player na Arnold Gamboa ang name. Inirereto raw ito ni Kris Aquino na kanyang maka-date kaya, curious siya. Ayun, nalamang 24 years old ang member ng San Miguel team. Kaya lang, players ng UAAP at ‘di na PBA ang gusto nito’t matatanda na raw ang PBA players.

Nalaman namin kay AiAi na sa September 19 ang finale ng Bituing Walang Ningning at live ang ending nito na gagawin sa Araneta Coliseum. Magsu-showdown sina Dorina (Sarah Geronimo) at Laviña (Angelika dela Cruz).
* * *
Natuwa kami kay Princess Violago dahil nang marinig na may for life na sakit ang kasama sa Posh, ang youth-oriented show ng QTV 11 na si Nikki Bacolod, nag-offer na siya na ang magpapagamot dito. Kung gusto ni Nikki, i-a-adopt nila ito para maalagaan.

May hypoparathyroidism si Nikki, isang sakit dala ng kakulangan ng calcium sa katawan. Nako-control ang sakit pero, panghabang-buhay niya at kailangan niyang uminom ng four to five medicines everyday na umaabot mula P3,000-P4,000. Pasalamat ang dalagita’t may two-year supply siya ng gamot mula sa States pero, nag-iipon siya kapag naubos na ang gamot.

Pero, hindi naging dahilan ang sakit para sa showbiz career ni Nikki. After Search For A Star In A Million, naglabas siya ng album sa Viva Records, host siya ng Little Big Star Davao at ngayon ay nasa Posh na napapanood every Saturday at 5 pm. Gusto rin nitong sumubok sa pelikula at matutupad ito’t active na uli ang Viva Films sa paggawa ng pelikula.
* * *
Dumaan muna sa blowout ng White Lady si Direk Jeff Tan bago pumunta ng Amerika para magbakasyon. Kasama nito ang ama sa party at dito namin nalamang 10 pm ang flight nilang mag-ama pero, nasa isang sulok lang at hinihintay ang anak.

Nang tanungin namin for his next project, sabi ng batang director, love story daw ang ibibigay sa kanyang next project ng Regal. Pero, sa kanyang pagbabalik na ito nila pag-uusapan ni Mother Lily.

Siyempre pa, present sa party ang mga bidang sina Pauleen Luna, JC de Vera at Angelica Panganiban. Dumating din sina Glaiza de Castro, Franzen Fajardo at Kechup Eusebio. Tinukso na naman sina JC at Pauleen na sweet that night at natuwa ang dalawa sa nadinig na may bago silang pelikula sa Regal.

Naaliw lang kami sa reaction ng dalawa sa balitang magko-cover sa FHM Magazine si Michelle Madrigal, ex-girlfriend ni JC. Si Pauleen napa-"talaga" at si JC, ang comment at walang kagana-ganang "di mag-pose siya." Wala rin itong keber kung totoo mang magpapa-manage kay Annabelle Rama ang dating nobya.
* * *
Hindi dapat palampasin ng mga ina ang Monday episode ng Moms entitled Ingat Ka, Anak dahil ipapakita ang mga maling pagpapalaki sa mga anak. Makaka-relate ang mothers sa pag-uusapan ng mga guests na sina Lovely Rivero, Maureen Mauricio, Anne Villegas at Jing Lejano.

Monday to Friday napapanood ang Moms, 5:30 pm sa QTV 11. Hosts nito sina Lani Mercado, Manilyn Reynes at Sherilyn Reyes.

vuukle comment

AIAI

ALEX

ALLAN K

BITUING WALANG NINGNING

CENTER

NIKKI

SARAH GERONIMO

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with