^

PSN Showbiz

Sa hiya kay Eddie Garcia, KC Castillo, di na nag-artista!

- Veronica R. Samio -
Dapat ay kasama si KC Castillo sa pang-MMFF na pelikulang Terrorist Hunter na nagtatampok kay Eddie Garcia. Natapos naman niya ang shooting ng nasabing film pero ipina-TRO ito ng producer dahil gumawa siya ng pelikula sa ibang kumpanya. Natapos naman ang kaso nito kaya naipalabas nung Pasko pero, dahil sa kahihiyan niya kay Eddie kung kaya minabuti niyang tumigil na sa pag-aartista.

Masaya na sa pagma-manage ng kanyang comedy bar si KC, ang Gratitude Comedy Bar na matatagpuan sa Quirino Ave, nang tumanggap siya ng alok mula sa EFB Production Film na lumabas sa isang digital film na pinamagatang Hada. Tatanggi ba siya lalo’t siya ang bidang babae? Isa pa, miss na niya ang paggawa ng pelikula.

Pinakamalaking dahilan para balikan niya ang pag-aartista ay kakaiba ito sa mga ginawa niyang pelikula nun na pawang mga sexy. Ito ay isang suspense thriller na nasa direksyon ng isang bagong direktor, si Lau de Jesus, graduate ng film directing sa Asian Institute of Films at nag-aral din ng filmmaking sa UP. Naging estudyante siya ni Marilou Diaz Abaya.

Bida rin sa pelikula sina Emilio Garcia, Richard Quan, Tita Swarding at ang apat na kabataang lalaki na pumasa audition na ibinigay ng kumpanya – Beejay Morales, Nash Randell, Jersey MiIano at Jiggy Ashday.

Bwenas din sa negosyo niya ang pagkakasali niya sa Hada. Ginamit ang bar niya para sa shooting ng pelikula at maging ang kanyang catering service.

"Hindi naman sa pagmamalaki, kahit marami kaming katabing mga bars, marami rin ang pumupunta sa Gratitude lalo na nung concert ng Cueshe. May nakatakda kaming Battle of the Bands. Sa July 8, Aug. 8 at Sept, 8, gaganapin dito ang Mr., Ms. at Gay Body Looks 2006.

"Hindi pa completely finished ang construction ng place. Bago ang mga events na ito, I’m sure, tapus na tapos na kami," sabi ng napakaganda pa ring sexy star na isa ring mahusay na negosyante.
* * *
Nagiging popular na sa mga kilalang personalidad ang Crystal Cream, isang mudpack at moisturizer na nabibili sa Tutuban Mall sa Divisoria. Wala itong mercury at hydroquinone, mula sa natural extracts ang mga sangkap nito.

Madalas mamataan na bumibili nito ang isang young actor na pinagdududahan ang gender, isang young actress na ito ang ginagamit at hindi ang produkto na kanyang ini-endorse at isang may edad nang beauty queen na takot magpa-galaw ng mukha at katawan sa mga cosmetic surgeons. Pero, aamin kaya sila sa produktong tunay na nagpapaganda sa kanila?
* * *
Ipinagbunyi si Gerald Santos, grand winner ng GMA’s Pinoy Pop Superstar 2, ng kanyang mga kababayan sa Navotas nang umuwi ito at nagbigay ng courtesy call kay Navotas Mayor Toby Tiangco.

Lehitimong Navoteño si Gerald na madalas, mag-perform sa mga ispesyal na okasyon ng lungsod, tulad nung centennial celebration nito nung Enero.
* * *
Haharanahin ng Freestyle ang Station 2 Bar and Restaurant ngayong Huwebes, 8:30NG. P350 ang ticket na may libreng 2 beers. First come, first served lamang. Call tel. 4101000, 4132880 or text 09208800922 or visit Station 2 at 5 Sgt. Esguerra St. Brgy. South Triangle, QC, look for Ms. Che Bisnar or Grace Gomez.

vuukle comment

ASIAN INSTITUTE OF FILMS

BAR AND RESTAURANT

BATTLE OF THE BANDS

BEEJAY MORALES

CRYSTAL CREAM

EDDIE GARCIA

EMILIO GARCIA

ESGUERRA ST. BRGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with