^

PSN Showbiz

Dahil sa luwang ng damit niya, boobs ni Sharon, muntik nang lumabas

-
Kamuntik nang masilipan ng ‘boobs’ si Sharon Cuneta sa repeat ng My Mega Valentine concert niya na ginanap sa Araneta Coliseum last Friday night dahil ang suot niyang tube blouse ay bumaba dahil pumayat na siya.

Panay nga ang taas ni Shawie ng tube niya habang kumakanta dahil hindi niya namamalayang bumababa na pala ito kung hindi pa niya nabasa ang papel na iwinawaygayway sa harapan niya ng P.A.

At nag-adlib na lang siya na, "Pasensiya na po, malaki na talaga ang ipinayat ko at hindi naman namin in-adjust ‘tong mga damit ko kaya hayan, nahuhubaran na ako," sabay tawanan ng tao.

Maging ang mga gown niya ay kitang-kita na ring nagluluwagan kaya naman nagbiro siya ng, "Makikita n’yo, kapag pumapayat ako, nabubuntis ako," at muling nagtawanan ang mga tao.

At saka in-announce ni Sharon na sa darating na April 28 ay isi-selebra nila ng asawa niyang si Sen Kiko Pangilinan ang kanilang 10th year wedding anniversary at pinaakyat si Kiko ni Martin Nievera para isayaw ang asawa habang kumakanta ang singer ng "I’ll Never Say Goodbye."

Hindi rin pinayagang bumaba si Kiko nang hindi niya hinalikan ng lips to lips ang asawa.

Hindi man gaanong tinao ang repeat ng concert ni Sharon na sa tantiya namin ay nasa 60-70% na lang ang mga taong nanood ay nag-enjoy naman ang lahat dahil maganda at masaya ang show dahil sa mga on the spot na adlib ng singer/actress/tv host bukod pa sa magagandang repertoire at mahuhusay na guest performers niya na sina Christopher de Leon, Christian Bautista, Kuh Ledesma at Martin.
* * *
Aliw na aliw kami sa kuwento ng mga kasamahan sa panulat na super close sa kanila ang isang youngster at nag-confide raw sa problema nito tungkol sa pagkakaroon niya ng mabahong kili-kili.

Makailang beses nang naba-blind item ang youngster na ito dahil maraming ka-trabaho niya ang inirereklamo siya dahil sa mabaho niyang amoy at maging ang wardrobe department na nagbibihis sa kanya para sa mga programa niya ay nababaliw na rin dahil ang mga isinuot daw na damit ni youngster ay hindi na raw magamit ng ibang artista dahil alam daw nilang may putok ito.

"Aminado naman si.. (name ng youngster) at pinagagamot naman niya yung sakit niya, malaki na nga ang nagagastos kasi dumadaan siya sa therapy tapos may mga gamot pang iniinom at maraming bawal na pagkain.

"Hindi rin niya alam kung saan niya nakuha, kaya ang ginagawa niya ay tinatambakan niya ng maraming tissue ang dalawang kilikili niya kapag may manggas ang damit niya para hindi kaagad nababasa. Problema niya kapag naka-sleeveless siya," kuwento sa amin.

Nakakaawa naman ang youngster na ito dahil maganda pa naman at magaling umarte, may malala palang problema sa katawan. Sabagay, wala na namang imposible ngayon sa sensiya, maraming klase na ng sakit ang nagagawan ng paraan basta ba may pera ka. Reggee Bonoan

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CHRISTIAN BAUTISTA

DAHIL

KIKO

KUH LEDESMA

MARTIN NIEVERA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with