^

PSN Showbiz

Dolphy at Michael V., nag-aagawan sa trophy ng Asian TV Awards

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Parehong pumasok sa Best Comedy Performance by an Actor sa 2005 Asian TV Awards sina Dolphy at Michael V. Ang una’y para sa Quizon Avenue ng ABS-CBN at Bubble Gang ng GMA-7. Ang sikat na Asian actor na si Adrian Pang ng Singapore at dalawa pang Singaporean actor ang kalaban nina mang Dolphy at Michael V.

Sana, isa kina Mang Dolphy at Michael V. ang manalo sa awards ceremony na gagawin sa University Cultural Centre ng National Universtiy of Singapore sa December 1. Aba’y, hindi matatawaran ang husay sa comedy ng dalawa, hindi ba?
* * *
Itinanggi ni Carlo Aquino ang nasulat sa isang broadsheet na nagkabalikan na sila ni Angelica Panganiban. Patuloy pa rin daw niyang sinusuyo for five months na ang ex-girlfriend at hindi nito masabi kung muli siyang tatanggapin ng dalaga.

Inamin ni Carlo na ang minsang pagbaling ng puso sa ibang babae ang rason nang break-up nila ni Angelica. Hindi rin nito masisi si Angelica kung nag-entertain ng ibang suitors habang off sila.

"Subok lang naman ‘yung panliligaw ko sa ibang girls. But, I’m cured now, nagpa-rehab na ako at mabait na ako," banggit nito. Sana, hindi mag-react ‘yung bold star na na-link kay Carlo sa sinabi nitong hindi niya pinanghihinayangan na hindi naging sila.
* * *
Tama ‘yung na-post sa thread ni CJ Muere sa igmatv. na close sila ngayon ni LJ Reyes mula nang magkasama sa Season 8 ng Love to Love. Nawi-witness namin ang closeness nila ‘pag nakikita namin silang magkasama. Gaya na lamang sa last taping ng Stuck in Love. Sila ang nagbabatuhan ng punchline habang not feeling well si Mike Tan.

Nang ibalita ni LJ na cover siya ng November issue ng Meg Magazine, nagbiro si CJ na magko-cover naman siya ng FHM. Nang tanungin namin si LJ kung okey lang ipareha sa iba si Mike, humirit nang panunukso si CJ. Hindi raw okey kay LJ and in fact, nagseselos ito na ipinag-blush ni LJ at ikinatawa ni Mike. Pati ‘yung billboard ni LJ sa may Boni, pinagtripan ni CJ, sobrang laki raw, samantalang ‘yung billboard nila ni Ryza Cenon ay inalis na.

Napagkikita pala si LJ sa St. Francis Square Tiangge. Hindi siya namimili kundi, tinutulungan ang kapatid niyang si Lorraine na bantayan ang stall nito. After her classes from La Salle at ‘pag walang taping, nasa SFST ito. Nasa second floor daw ang fashion and accessories stall ng ate ni LJ at madali itong makita ‘pag naroon si LJ.
* * *
Tinext ng kaibigang reporter ang young singer-actress nang mapanood itong very sweet sa ka-loveteam na ex-boyfriend din niya. Tinukso ng reporter ang singer-actress na mukhang nagkabalikan na sila’t hindi siya umiwas nang akbayan at halikan ng ka-love team. Natawa ang reporter sa isinagot nito at ikinatawa rin namin nang ikuwento sa amin.

Sabi kasi ng singer-actress, scripted ang sweetness na ipinakita nila at para lang sa viewers. Madi-disappoint tiyak ang fans ng dalawa na tuwang-tuwa pa naman nang mapanood ang eksenang ‘yun. Inisip nilang start na ‘yun para magkabalikan ang favorite loveteam nila. Pero, mukhang matagal pa ang kanilang ipaghihintay dahil as of now, puro scripted ang lambingang makikita sa kanila.

vuukle comment

ADRIAN PANG

ANGELICA PANGANIBAN

BEST COMEDY PERFORMANCE

BUBBLE GANG

CARLO AQUINO

DOLPHY

MICHAEL V

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with