Marissa Sanchez inapi sa Palawan

Saksi kami sa kaapihang inabot ng sikat na singer na si Marissa Sanchez sa ginanap na coronation ng Miss Puerto Prinsesa sa Palawan City Auditorium. Di-umano, inimbitahan si Marissa ng mabait na Mayor ng Puerto Prinsesa na si Edward S. Hagedorn sa coronation doon ng mapipiling Miss Puerto Prinsesa Palawan. Naroon din ang grupo ni Elay Formaran kasama si Ella V. ng Hot Babes 2, Kryz Evangelista at Bullet at ilang movie press from Manila.

Maaga pa, nasa auditorium na si Marissa at naghihintay na lang ng tawag. Sabi daw ng isang taga-roon, pagkatapos ng coronation, saka ipapasok ang grupo ni Marissa. Ayaw siyang isingit dahil tiyak na masasapawan niya ang mga kasama niyang entertainers.

Pero natapos at natapos yung show, nang hindi tinatawag si Marissa. Hindi nila isiningit ito gayung ang daming pagkakataong pwede siyang ipasok. Hindi ba nila alam na bisita ito ni Mayor at mahal ang talent fee na ibinigay dito at mga kasamahan nito pero nasayang lang.

Maging ang mga press people ay nagdamdam dahil hindi man lang sila na-acknowledged.

Sana, huwag nang mauulit ang ganitong pangyayari dahil makakasama ito sa inyong imahe, di ba Lolit ng Palawan? Vir Gonzales

Show comments