Magaganda ang lahat ng entries sa Metro Manila Film Festival at kahit hindi kasama sa Magic 7 ang Bridal Shower at Gagamboy ay di nangangahulugang saling-pusa lang ang mga ito na ipalalabas sa January 1.
Masusing pinanood, pinag-aralan ng screening committee members ang mga pelikula na kinabibilangan nina Mayor Rey Malonzo (chairman), Mark Gus Ng, Prof. Orly Molina, Direk Joey Romero, Manny Nuque, Maan Hontiveros, Serge Remonde, Caloy de Leon at Dominic Du. Pagkatapos ng deliberation noong Biyernes ay saka ini-announce ang Magic Seven.
Hindi naman nangangahulugan na komo si Mayor Malonzo ang chairman ay may halong pulitika na ito dahil ang mga screening committee members ay nanggaling sa ibat ibang sektor ng lipunan na may kaalaman din sa pagsusuri ng pelikula.
Pero sinabi naman ni Direk Jeturian na blessing in disguise ang nangyari sa kanilang movie dahil ngayong ipalalabas ito sa January 1 ay mabibigyan nila ng sapat ng panahon para mai-promote ito at baka mas kumita pa sa nasabing playdate.
Gagampanan nito ang papel ni Katie na umiiwas sa pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil sa kanyang katabaan. Sa bridal shower ni Sonia ay umupa ito ng bayarang macho dancer sa katauhan ni Alfred Vargas kung saan na-in love ito sa kanya (Katie) at inilihim ang relasyon pero nabuking din ng mga kaibigan.
Paano niya ipagdiriwang sa taong ito ang Pasko? "Sa bahay lang kaming mag-anak at ipapasyal lang siguro namin ni Ariel ang mga bata. Babawi kami dahil pareho kaming busy the past days. Dalawang araw ang taping ko sa Sis at tatlong araw naman si Ariel sa Narito ang Puso Ko."
Pinagtaling-puso sila sa Sacred Heart of Jesus Parish Church. Tumayong ninang si Gigi mismo at ang bise-alkalde ng Caloocan na si Tito Varela naman ang ninong. Binigyan sila ng magandang reception sa City Hall matapos ang kasal.
Bukod pa rito ay nakapagbigay na ng scholarship ang Dear Mom mula sa mga letter senders. Mapapanood ang Okay Ka Mom tuwing Sabado 10:30 ng umaga sa Channel 5, co-host sina Marjorie Barretto at PJ Malonzo.
Magkasama sana sa isang sexy movie ang dalawang aktres. Pero ayaw ni Manager A. "Baka hilahin lang niya pababa ang aking alagang aktres. Naibugaw na siya no!" aniya.
Sey naman ni Manager B kay A "Look whos talking... di ba nambubugaw din siya?"
Ang ending ay nagdededmahan na ang dalawa at hindi na natuloy ang proyekto ng dalawang aktres.