^

PSN Showbiz

Hanggang kailan magpapaliwanag si Karen?

RATED A - Aster Amoyo -
Kahit si Ogie Alcasid, hindi niya maisip kung paano niya natapos sa last quarter ng 2002, ang shooting niya ng AB Normal College, Todo Na ‘To ng Viva Films, na kasabay noon ang OA sa Hits concert niya sa Araneta Coliseum last October 4, 2002, plus ang mga guestings pa niya sa kung anu-anong concert, at ang paggawa pa niya ng mga songs para sa coming album niya sa Viva Records, in connection sa 15th anniversary niya sa showbiz.

"Naka-fifteen shooting days din ako ng AB Normal College, Todo Na ‘To with Andrew E. Rufa Mae Quinto, Mikey Arroyo and Patricia Javier under Direk Al Tantay," sabi ni Ogie. "Mabuti na lamang, katatapos ko rin lamang ng Best Man kaya hindi naman ako nanibago sa shooting. Nakakatuwa itong movie namin, parang American Pie. Pero request ko kay boss Vic del Rosario, sana ang susunod kong movie, romantic comedy naman, o kaya isang war picture o iyong kababalaghan. Ang dami ko naman yatang gusto. Basta sana, panoorin ninyo ang movie namin, sa February 12.

"Saka tulungan din ninyo ako sa series of concert ko sa Onstage for Valentine, ang OA Sa Puso. Sa February 7 & 8, guests ko sina Kyla at Karylle. Sa February 13, 14 & 15, si Jaya naman ang guest ko at sa February 13 & 15, pumayag na mag-guest sa akin ang Sex Balls, sina Michael V., Wendell Ramos at Antonio Aquitania."

Musical director ni Ogie si Archie Castillo, sa direksyon naman ito ni Louie Ignacio. Ang said concert ni Ogie ay tuloy pa rin every weekend, up to March 1, 2003 at iba-iba ang kanyang special guests.
* * *
Nagsimula nang mag-shooting sina Kris Aquino at Robin Padilla ng balik-tambalan nilang movie, ang You And Me Against The World for FLT Films International last Monday, matapos silang sabay-sabay na pumirma ng kontrata last Saturday, with Mark Anthony Fernandez na first time na magsasama sila ng kanyang uncle (o lolo na ba?) Robin.

Naging masaya nga raw ang muling pagkikita ng dating mag-sweetheart na Kris at Robin matapos dumating ng bansa si Robin from Australia kung saan siya nag-celebrate ng holiday season with his family. Pero ang nabiro raw ni Kris ay si Mark Anthony. Malabo na raw kasi sila ni Robin dahil may Liezl Sicangco na si Robin, siya raw naman kaya ay pwedeng ma-involved kay Mark?
* * *
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung totoo ngang break na sina Kris at Mayor Joey Marquez. May nagsasabi kasing break na sila at palatandaan daw nito ay ang pagtanggap ni Kris ng movie ng Star Cinema na ang makakatambal niya ay si Vic Sotto, ang Kung Ako na Lang Sana na ididirek ni Olive Lamasan. Sa mga nali-link nga raw kay Kris, ang tanging pinagseselosan ni Mayor Joey ay si Vic at sabi’y siyang madalas nilang pagtalunan.

Pero sabi nga, sa pagiging taklesa ni Kris, kahit pagdating sa love niya, hindi matatagalan at magsasalita na rin siya sa real score nila ni Mayor Joey.
* * *
Pinabulaanan ni Karen delos Reyes na mali ang mga blind items na nasusulat sa kanya na malupit siya sa kanyang ina at wala siyang respetong sinisigawan ito kahit sa harap ng maraming tao.

"Paano po mangyayari iyon samantalang hindi na sumasama sa akin ang Mommy ko sa mga tapings ko," sabi ni Karen. "Hindi ko na po siya pinasasama dahil kung minsan, ang taping ko magsisimula ng 7:00 a.m. at natatapos ng 6:00 a.m. the following day. Ang lagi ko lamang kasama ang alalay ko at driver. Hindi ko po alam kung sino ang nagsasabi niyan dahil wala po namang katotohanan."

Nilinaw din ni Karen na walang katotohanan na nagsabunutan sila ng kasama niya sa Click na si Angel Locsin. Medyo raw lamang sila nagkataasan ng boses sa isang maliit na bagay na naayos din naman. Nagkataon daw lamang sigurong puyat at pagod na sila pareho ni Angel kaya nagkaganoon. Pero binigyan din daw sila ng parusa. Once raw siyang hindi pinag-report sa taping ng Click. Ngayon daw ay okey na sila ni Angel.

vuukle comment

AMERICAN PIE

MAYOR JOEY

NIYA

NORMAL COLLEGE

OGIE

PERO

SA FEBRUARY

SILA

TODO NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with