Viva celebrates 21st year

Dalawampu’t isang taon na simula nang isilang ang Viva Entertainment. To commemorate the event, naglabas ito ng isang ispesyal na album na binubuo ng mga no. 1 recordings nito.

Setting the mood for the double CD collection ay ang "Sana’y Wala ng Wakas" ni Willy Cruz na inawit ni Sharon Cuneta. Ito ang itinuturing na official Viva theme song.

Mayroon din ditong "Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan" na inawit ni Jun Polistico, "Hanggang Ngayon" nina Regine at Ogie, "Bakit Ngayon Ka Lang" nina Pops at Freestyle at ang no. 1 seller ni Regine sa Viva, ang "On The Wings Of Love".

Mayroon ding "Ikaw Lamang" nina Jaya at Janno, "We’re All Alone" ni Zsazsa, "Tunay na Mahal" ni Lani at ang debut single ng Freestyle, ang "Before I Let You Go".

Marami pa ring selection, gaya ng "Modelong Charing" "Everyday", "Dahil Tanging Ikaw", "Only Me And You", "Ang Tipo Kong Lalaki", "Someone’s Always Saying Goodbye", "Till My Heartaches End", "Miss na Miss Kita", "Humanap Ka ng Pangit" at marami pa.

Show comments