Candy for Sale

Mapapanood si Candy Pangilinan sa Candy For Sale sa darating na Wednesday, October 16 sa Klownz Comedy Bar sa may Delta, Quezon City. Special guests sina Jinky Oda at ang boy band na Synch-O. Ang JCS Entertainment ang producer ng show.

Pagkatapos ng show niya sa Klownz, pupunta si Candy sa US para maging opening act sa US Tour ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa Los Angeles on November 1, San Francisco sa November 2 at San Diego on November 9.

Matagal-tagal na rin nang una nating makilala si Candy sa pagpapatawa. Nakasama na niya sina Dolphy, Panchito (RIP), Noel Trinidad at Subas Herrero, Leo Martinez and Nanette Inventor to name a few.

Isa rin siya sa busiest TV personalities na pinamamahalaan ng Manila Genesis Entertainment and Management Inc. Kasama siya sa Ispup sa ABC 5, Sa Dulo Ng Walang Hanggan at Whattamen sa ABS-CBN. Siya rin ang current endorser ng Ajinomoto.

Show comments