Vina Escapes

Ngayong gabi, bibigyan ng Live Artist Productions si Vina Morales ipamalas ang kanyang natatanging talino sa pagkanta na sinasabing isa sa most underrated sa local music.

Pinamagatang Vina Escapes, ang isang gabing palabas ay magaganap sa Casino Pilipino Parañaque at tatampukan din ni Gabby Eigenmann with Mark Lopez as musical director. Kakanta si Vina ng wide range of songs gaya ng "Pangako Sa ‘Yo", isang medley ng OPM movie theme songs,at ang pop hit na "Superman" ng Five For Fighting.

Suportado ang palabas nina Atty. Emily Padua at Jessica Arambulo ng Casino Pilipino Prque.

Pagkatapos ni Vina, isusunod ng Live Artist Productions si Regine Velasquez sa Hulyo 19 sa Casino Pilipino, Mimosa Clark. Sa Hulyo 31, may palabas sila sa Ratsky Morato kasama ang Freestyle.

Nakalinya ang mga konsyerto ni Zsazsa Padilla (Agosto 2) sa Casino Pilipino Prque,(Agosto 17) sa Casino Pilipino Tagaytay at (Agosto 23) sa Casino Pilipino Mimosa.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 9202643 at 0918 9239825.

Show comments