Si Gabriel at Allona na!

Graduate ng Computer Engineering sa Ateneo de Manila ang baguhang actor na si Gabriel Salvador na ilulunsad ng ATB 4 Films sa pelikulang Operation Red Roses. Makakasama niya rito sina Allona Amor, Katrina Paula at Pamela Ortiz sa direksyon ni Angelito de Guzman.

Taekwando expert din si Gabo kaya’t hindi siya kinakabahan sa mga delikadong eksena sa gagawin niyang pelikula.

Marami nang nagawang pelikula noon si Gabriel. Nakasama na niya si Cesar Montano at nakasama rin siya sa Sarah Balabagan starring Vina Morales at pansamantala rin siyang naging host ng Lunch Break sa Channel 13.

Aminado si Gabriel na sila ngayon ni Allona Amor. Ang makakapagpatunay dito ay ang nanay-nanayan ni Allona. Inamin na rin ng dalawa na inspirado sila sa isa’t isa kaya’t walang problema sa kanilang relasyon. VG

Show comments