Judy Ann, mari-regular sa 'SOP'

Sa simula ay ayaw pang magsalita ni Judy Ann Santos tungkol sa pagsali niya sa Sunday noontime show ng GMA 7, ang SOP pero, umamin din siya na mari-regular siya sa show sa March 17.

Pagpapakita lang daw niya na kahit saang istasyon ay welcome siya.

Kahit na raw umano sari-saring isyu ang palabasin tungkol sa kanila ng kumare niyang si Jolina Magdangal ay di sila papaapekto.

Tungkol naman sa isyu ng pagganap sa isa pang tsapter ng Darna, kahit na sino pa ang gumanap dito ay susuporta na lang siya.

Show comments