Diana, bagong pasisikatin ng Seiko

Habang wala sa limelight sina Nini Jacinto at Brigitte de Joya ng Seiko Films dahil sa kanilang pagbubuntis na mga artista din ng nasabing movie outfit ang ama ng kani-kanilang dinadala, hindi naman pahinga ang Seiko Films sa paggawa ng pelikula. Naghanap sila ng kapalit na babae at lalaki, ito ngang si Diana Zubiri, na bida agad sa pelikulang Itlog.

Si Diana ay 17 years old lang. Maganda, maputi, seksi at nagtataglay ng super kinis na kutis at mayamang dibdib. Mula sa isang may sinasabing angkan si Diana, pero mas type niyang mag-artista kesa maki-ride on sa kayamanan ng kanyang angkan.

Sa pelikulang Itlog, makakasama ni Diana sina Celso Ad Castillo, Rodel Velayo at isang new face na macho, si Winstons Elizalde. Kahit first movie pa lang ni Diana marami na siyang sizzling scene sa tatlong kalalakihan. Pero mas enjoy siya kay Rodel dahil crush niya ito noon pa man. Ang totoo, hindi niya akalain makakapareha niya ito at magkakaroon pa ng eksenang makapanindig balahibo. – LC

Show comments