^

PSN Showbiz

TV director, may ka-relasyong dancer

-
Ang dancer-actor ay may anak na at ito (anak) mismo ang nagdaldal tungkol sa relasyon ng kanyang daddy sa isang sikat na bading na direktor sa telebisyon. Katunayan ay "tito" ang tawag ng bata sa direktor na galante dahil siya pa ang balitang nagsusustento sa dancer-actor at anak nito.

Ang TV gay director ay maraming hawak na programa kaya kaya nitong maghatag ng datung sa kanyang natitipuhang lalaki.
Direk Boy Vinarao, May Dream Project
Nasa Solar Films office si direk Edgardo "Boy" Vinarao para makipag-meeting kay Wilson Tieng dahil sa proposed dream project niyang 4 Fathers. Wala pang nakakapag-research tungkol sa iba’t-ibang katangian ng mga pari para isapelikula kundi si direk Vinarao lang."Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga pari. Nariyan si Cardinal Sin na naging instrumento sa People Power 2 sa EDSA. Nariyan din si Father Robert Reyes na may ipinaglalaban sa ating bansa.

Ang iba sa kanila ay nagkakaasawa pa at nagkakaanak. Ito ang nagbigay sa akin ng ideya tungkol sa proyekto kung saan isa itong komedi na may pagka-satire ang dating," aniya.

Balak niyang kunin sina Jeffrey Quizon bilang bading na pari, Joel Torre, Gerard Madrid at Joel Torre. Iba’t-ibang katangian ng mga pari ang ipapakita sa pelikula gaya ng paring bading na pilit na itinatago ang kanyang tunay na kasarian. Isang pari rin na wala nang ginawa kundi ang tumakbo nang tumakbo for a cause ang magpapasaya sa istorya. Kasama pa rin ang isang pari na ma-iinlove sa isang nobisyada at ang isa naman ay nagpari lang para sundin ang kanyang pangako dahil sa pagkakaligtas ng inang maysakit. "Matagal ko nang pangarap na magawa ang naiibang proyektong ito at gawing pang-Metro Manila Film Festival. Bagong putahe kumbaga at alam kong kakagatin ito ng mga manonood na sawa na sa mga gasgas na istorya," dagdag pa niya.

Kung matatandaan si direk Boy ang nagdirek ng Kasal-Kasalan ng Solar Films at Crown Seven Ventures na tinampukan nina Judy Ann Santos at Wowie de Guzman na naging Metro Manila Film Festival entry.
Isabel, Natupad Ang Pangarap
Matagal kaming nagkakwentuhan ni Isabel Granada sa birthday party ni Janna Victoria noong Biyernes. Sinabing isa sa pangarap niya ay makatambal si Gob. Lito Lapid sa pelikula at natupad naman ito via Masikip ang Mundo Mo, Labrador. "As a person mabait siya at maasikaso. Alam niyang hindi ako kumakain ng kanin at mamantikang pagkain kaya puro isda ang inihahanda niya sa set para sa akin. Maalalahanin din siya sa lahat ng kasamahang artista gayundin sa crew kaya mahal siya ng masa," aniya.

"Wala kaming lovescene o kissing scene dahil ipinakita sa movie ang layo ng agwat namin kaya magkaibigan lang kami. Pero enjoy akong makasama siya," dagdag pa ng aktres.

Ayaw pa rin niyang i-reveal ang kanyang present love dahil non-showbiz ito. Magkasundo naman sila at edukado ang lalaki kaya walang insecurities na nadarama kahit isang sikat na artista si Isa.

Kahit abala sa kanyang career ay tuluy-tuloy pa rin sa pag-aaral ang magandang aktres kaya sa Oktubre ay matatapos na siya ng aeronautic engineering.
B-Day Wish Ni Janna
Nag-celebrate ng ika-21 na kaarawan ang magandang si Janna Victoria sa Acacia restaurant na dinaluhan ng mga kaibigang sina Ara Mina, Patricia Javier, Isabel Granada, Ogie Alcasid at iba pang kaibigan. Naroon din ang kanyang pamilya kung saan lagi silang nakasuporta kay Janna. Closely-knit ang family ng aktres.

Ano ang birthday wish niya? Ayon kay Janna, sana ay masundan na ang kanyang Lagarista. Interesado din si Wilson Tieng na igawa siya ng isang suspense thriller movie na may pagka-sexy ang dating. Kahit maraming manliligaw ay ayaw pa niyang pumasok sa seryosong commitment. "Marami pa akong pangarap na nais matupad lalo na sa aking career. Bata pa naman ako at makapaghihintay pa ang pag-ibig. Career muna dahil gusto kong makaipon ng pera, makapagpatayo ng bahay at makapag-invest sa negosyo. Nagi-enjoy ako ngayon sa showbis at sana’y magtagal pa ako dito," aniya.

Habang naghihintay ng project ay marami namang TV appearances ang seksing aktres.
Russel, Type Si Angelika
Kilala sa telebisyon si Russel C. Mon bilang endorser ng Close-Up. Lumaki siya sa Sorsogon City at nadiskubre ng Letran College ang husay niya sa paglalaro ng basketball noong mapanood sa Palarong Pambansa na ginanap sa Bicol.

Inabot ng isang taon bago nakumbinse si Russel ng kanyang manager na si Alberto Baligod na pasukin ang pagiging commercial model. Nagkasunud-sunod na ang kanyang mga komersyal at sa lahat ng ito ay pinakagusto niya ang Close-Up dahil dito nakilala ang mga sikat na aktor na sina Gabby Concepcion, Tonton Gutierrez, Robin da Roza, Patrick dela Rosa at Matthew Mendoza. Si Wilma Doesnt ang nagrekomenda sa kanya kay direk Rowell Santiago para makasama sa Luv Text. Dalawang taon siyang naging seminarista. Para sa kanya ay exciting ang showbis at kung bibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang makapareha si Angelika dela Cruz. Type ko ang beauty niya at bukod sa maganda ay magaling rin siyang umarte. Siya rin ang tipo ng babaeng gusto kong maligawan. Sana wala pang nagma-may-ari ng kanyang puso," aniya.

Ayon pa kay Russel na nag-iisang anak ay gusto niyang makaipon ng pera para makapagpatayo ng bar at restaurant.

vuukle comment

CENTER

ISABEL GRANADA

JANNA VICTORIA

JOEL TORRE

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with