Sinong ama ng pinagbubuntis ni Angelu?

Sa isang phone patch na ginawa ng aming kapatid sa hanapbuhay na si Mar D’Guzman kay Angelu de Leon at naging pangunahing feature ng kanyang radio program sa RMN, inamin ni Angelu na totoong buntis siya at babae ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan. Ang ama ng kanyang magiging anak ay isa raw negosyante.

Para sa isang mas malawak na feature kay Angelu, panoorin siya sa S-Files ngayong Linggo, Mayo 6, ika-4:00 ng hapon sa GMA 7. Sa isang exclusive interview sa batang aktres, marami siyang patotohanan at itatangging mga balita na lumabas at kasalukuyang lumalabas tungkol sa kanya. Huwag magpahuli sa mga balita.

Matatandaan na itinanggi nung una ni Angelu ang pagbubuntis niya sa pamamagitan ng pagsasabi na naroroon siya sa US sapagkat gusto niyang subukan ang kapalaran dun. Ang bagay na ito ay mabibigyan din ng kaliwanagan sa S-Files.

Show comments