Walang takot maghubad si Gonzalo!

Walang takot maghubad ang baguhang actor na si Martin Gonzales na bininyagan ng Martin Gonzalo ni direk Joey Javier Reyes sa Tikim. Marami na raw kasing Gonzales kaya’t ginawang Gonzalo. Bilib si direk Joey dahil naidirek na din niya si Martin sa Toro at wala itong kiyeme basta hubaran ang pag-uusapan.

Magaling na torero si Martin sa Live Show. Wala man lang comment si Klaudia Koronel. Aakalain mo nga na totoong torero si Martin. Hindi na siya kailangang turuan pa. May sarili siyang style.

Bisitang artista si Martin sa Kintaro Karaoke Bar Music Lounge sa Baliaug Bulakan kamakalan. Kumanta pa siya roon sa kahilingan ng mga bisita. Naging bisita rin siya sa Fiesta ng Barangay Subik, Baliuag Bulakan. Marami ang humanga kay Martin, kahit libre lang ay pumunta siya. Nananalong Mr. Pangasinan noon si Martin. – VG

Show comments