10 ‘most wanted’ sa Zamboanga del Sur, timbog sa 24 oras

 Sa report ni Police Regional Office (PRO) 9 Director PBrig. Gen. Bowenn Joey Masau­ding, ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa 10 wanted sa batas ay isinagawa mula alas-12 ng madaling araw nitong Abril 25 hanggang alas-12:01 ng madaling araw nitong Abril 26, 2024.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga operatiba ng Police Regional Office (PRO) 9 matapos masakote ang 10 most wanted persons (MWPs) sa batas sa isinagawang serye ng operasyon sa Zamboanga Peninsula sa loob ng 24 oras, ayon sa opisyal kahapon.

 Sa report ni Police Regional Office (PRO) 9 Director PBrig. Gen. Bowenn Joey Masau­ding, ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa 10 wanted sa batas ay isinagawa mula alas-12 ng madaling araw nitong Abril 25 hanggang alas-12:01 ng madaling araw nitong Abril 26, 2024.

 Kabilang sa mga naaresto ay sina Ricky Balbosa, wanted sa kasong estafa sa law enforcement operation sa Brgy. Baybay, Liloy, Zamboanga del Norte dakong alas-10:30 ng umaga kamakalawa.

 Nasakote naman ang mag-amang Alfredo Pañosa Sr. at Alfredo Pañosa Jr., alas-12:18 ng gabi nitong Biyernes sa kasong grave oral defamation base sa ini­syung warrant of arrest ng Municipal Trial Court (MTC), 9th Judicial Region, Polanco, Zamboanga del Norte. 

Nadakip din ng Pagadian City Police alas-10:26 ng umaga ang wanted na si Jazzphyr Bernales Mayor sa kasong 2-counts ng falsification of public documents.   

Arestado rin sina Felix Luna sa Brgy. Upper Lodiong, Tambulig, Zamboanga del Sur dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 10593 sa pamumutol ng puno ng niyog.

 Ang iba pang MWPs ay sina Christopher Al Acaylar Daga, may kasong acts of lusciousness, nabitag sa Dipolog City, Zamboanga del Norte; Rene Salagada, estafa, nahuli sa Naga, Zamboanga Sibugay; Joel Templado, may kasong acts of lasciviousness, nahuli naman sa Titay, Zamboanga Sibugay; Roderick Tamarong, akusado sa statutory rape at acts of lasciviousness, na nahuli sa Brgy. Lenienza, Pagadian City, at si Israyda Asan na nabitag alas-9:30 ng gabi nitong Biyernes sa kasong droga sa Brgy. Sangali, Zamboanga City.

Show comments