^

Probinsiya

Klase sa Region 11 at 12, suspendido pa rin dahil sa lindol – NDRRMC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Klase sa Region 11 at 12, suspendido pa rin dahil sa lindol � NDRRMC
Investigators are examining the location where Danny and Jane Ginung were caught under debris from a concrete fence damaged by the earthquake on Nov. 17, 2023.
Philstar.com / John Unson

MANILA, Philippines — Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nananatiling kanselado ang pasok sa eskuwela sa ilang paaralan sa Region 11 at 12 na naapektuhan ng Magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental noong Biyernes.

Kabilang sa mga suspendidong pasok ay isang paaralan sa Digos Davao del Sur mula pre-school hanggang tertiary level.

Province wide naman ang suspension ng klase mula pre-school hanggang tertiary sa Davao Occidental, Sarangani at South Cotabato.

Batay sa datos ng NDRRMC, ang ilang paaralan ay patuloy na sumasailalim sa Engineering Assessment para mabatid kung ligtas pang gamitin habang ang iba naman ay kailangang sumailalim sa pagkukumpuni.

Anang NDRRMC, kailangan na masuri kahit ang maliliit na bitak para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Samantala, nananatili sa 9 katao ang iniwang patay ng lindol at 16 ang sugatan habang umakyat sa 3,696 pamilya o katumbas ng 16,293 na indibidwal mula sa 51 barangay sa Region 11 at 12 ang naapektuhan ng lindol.

vuukle comment

EARTHQUAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with