^

Probinsiya

Rescue operasyon ng PCG sa Northern Samar, patuloy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpapatuloy ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsasagawa ng rescue operations sa mga biktima ng pagbaha dulot ng malakas na mga pag-ulan sa Catarman, Northern Samar.

Alas-7 ng umaga nang umpisahan ng Coast Guard District Eastern Visayas ang operasyon sa Barangay Macagtas, Catarman kahapon sa kabila ng patuloy na sama ng panahon.

“The rescue and evacuation operations are still in progress as emergency responses teams continue their efforts to safeguard the residents of Catarman,” ayon sa PCG.

Sa huling ulat, tatlong pamilya ang nailigtas ng mga tauhan ng PCG mula sa kanilang mga bahay na nasa panganib na tangayin ng baha at mailikas sa Catarman evacuation center.

Nagpatupad naman ng “force evacuation” ang Coast Guard Sub-Station Biri sa mga binahang lugar sa Barangays Poblacion at Progess sa bayan ng Biri kahapon ng umaga.

Patuloy pa sa berepikasyon ang mga awtoridad sa bilang ng pamilya o indibidwal na puwersahang inilikas para matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa “flashfloods”.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with