Ex-drug detainee sa Laguna, niratrat

MANILA, Philippines — Bulagta ang dating drug detainee makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa lalawigan ng Laguna nitong Biyernes.

Sa ulat ng CALABARZON Police, bandang alas-8:40 ng gabi nang pagbabarilin ang biktimang si Marlon Dejumo sa kahabaan ng Narra Road, Kings Farm, Brgy. San Antonio, San Pedro City.

Ayon sa imbestigas­yon, kasalukuyang nag-aabang ng tricycle si Dejumo sa nasabing lugar nang big­lang sumulpot ang hindi nakilalang mga lalaki at siya ay pinagbabaril na kanyang agarang ikinasawi.

Lumilitaw sa pagsisiyasat nasa drug watchlist ang biktima at dating nakulong sa kasong pagtutulak ng droga.

Show comments