P138K shabu nasabat sa big-time ‘tulak’

CAMP BGEN PANTALEON GARCIA, Imus City, Philippines — Nasabat na puwersa ng pulisya ang isang bigtime tulak at dealer ng shabu sa isi­nagawang buybust operation ng grupo kamakalawa sa Brgy Sampaloc Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ni Police Col Christopher F Olazo, Provincial Director ng Cavite ang suspek na si Norhainah Gundar Pandapatan Alias Zander, 36- anyos residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula kay Police Lieutenant Col Juan P Prifa,  chief of police ng Dasmariñas City, naglatag sila ng buy-bust operation laban sa suspek na nasa Street Level Individual target ng pulisya kasama ang Provincial Drug Enfrocement Unit-Cavite Police Provincial Office at nakumpiskahan ito ng may mahigit sa 20 gramo ng shabu na aabot sa halagang P138,000.

Ayon sa pulisya matagal na umano nilang minamatyagan ang suspek hinggil sa mga impormasyong pagbebenta ng droga ng suspek.

Show comments