^

Probinsiya

P3.4 milyong shabu nasabat, 2 ‘dealer’ timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
P3.4 milyong shabu nasabat, 2 �dealer� timbog
Hindi na nakapalag sa pulisya ang dalawang suspek nang dakmain na nakilalang sina Basit Dimasira Mamacol alias “Mosib”, 42, ng Brgy. Tejeros Convention, at Sandy Jailani Rabalon, 43-anyos, ng Brgy. Silangan 1; pawang sa Rosario, Cavite at kapwa high value target ng pulisya.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Mahigit sa 500 gramo ng shabu na aabot sa P3.4 milyong halaga ang nasabat ng pulisya sa dalawang hinihinalang big-time pusher at dealer ng shabu sa inilatag na drug bust ng mga awtoridad, ka­makalawa ng gabi sa Brgy, Tejero, bayan ng Rosario, dito.

Hindi na nakapalag sa pulisya ang dalawang suspek nang dakmain na nakilalang sina Basit Dimasira Mamacol alias “Mosib”, 42, ng Brgy. Tejeros Convention, at Sandy Jailani Rabalon, 43-anyos, ng Brgy. Silangan 1; pawang sa Rosario, Cavite at kapwa high value target ng pulisya.

Sa nakalap na ulat mula kay Pol Col. Christopher Olazo, provincial director ng lalawigan ng Cavite, nagkasa ng malakihang buy-bust ang pinagsanib na puwersa ng PDEA RO IV-A RSET 2 at RSET 1, Cavite Police Office at Rosario MPS dakong alas-6:40 ng gabi sa New Market Road, Brgy. Tejero, Rosario, Cavite .

Bago inilatag ang buy-bust, may ilang araw ding minatyagan ng grupo ang mga suspek at nang magpositibo na sangkot sa illegal na gawain saka inilatag ang buy-bust.

Narekober sa mga suspek ang mahigit 500 gramo ng shabu na may halagang P3,450,000 at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with