^

Probinsiya

Chinese na dinukot tumalon sa gusali, nasagip

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Chinese na dinukot tumalon sa gusali, nasagip
Kinilala ang nasagip na biktima na si Zhang Jia Ning, 24-anyos, tubong Hunan, China; estudyante at residente ng Pink House, Intramuros, Maynila.
STAR / File

2 kidnaper timbog sa hot pursuit operasyon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Matagumpay na nailigtas ng mga awtoridad ang isang Chinese national na dinukot ng dalawang kapwa Tsino sa isinagawang operasyon sa San Lorenzo South Subdivision sa Barangay Malitlit, Sta Rosa City, lalawigang ito.

Kinilala ang nasagip na biktima na si Zhang Jia Ning, 24-anyos, tubong Hunan, China; estudyante at residente ng Pink House, Intramuros, Maynila.

Ang biktima ay natagpuang hubad, nakaposas, duguan at gumagapang sa simentadong sahig makaraang tumalon mula sa ikalawang palapag ng gusali at agad na humingi ng tulong sa isang testigo.

Sa ulat, si Zhang ay dinukot ng kapwa nito Chinese na dalawang lalaki sa may parking lot ng PITX, Parañaque City. Siya ay dinala sa Sta. Rosa City, Laguna at dito ini-lock at ikinulong ng mga suspek ng tatlong araw.

Nailigtas naman ng mga rumespondeng pulis ang biktima sa tulong na rin ng mga concerned citizens.

Tinukoy ng biktima sa pulisya ang mga dumukot sa kanya na sina Xie Jing Long, 25, at Sheng Likun, 35, na kapwa naaresto sa isinagawang hot pursuit operation ng pulisya sa J.B Village, Brgy. Balibago, Sta Rosa City, nitong Miyerkules ng hapon.

Nakumpiska mula sa dalawang Chinese suspects ang isang pistol caliber 45, mga bala, cellphone, damit, cartridges at P137,555 cash.

Ang dalawang suspek ay kapwa kinasuhan na ng “kidnapping and serious illegal detention” at “illegal possession of firearms and ammunitions” sa Office of the City Prosecutor sa Sta. Rosa City.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with