^

Probinsiya

4 terorista, sundalo todas sa Lanao encounter!

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 terorista, sundalo todas sa Lanao encounter!
Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang mga napatay na terorista at mga ebidensyang nakalap sa kanila matapos ang engkuwentro sa Lanao del Sur kamakalawa.
John Unson

COTABATO CITY - Apat na miyembro ng te­roristang grupong Dawlah Islamiya at isang sundalo ang patay matapos ang umaatikabong engkwentro nitong Huwebes ng umaga sa Marogong, Lanao del Sur.

Ayon kay Brig. Gen. Allan Nobleza, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, inaalam pa ng mga imbestigador at local officials kung sino ang apat na terorista na nasawi ng kanilang nakasagupa ang mga Army Scout Rangers na nagpapatrolya sa Barangay Piangologan sa bayan ng Marogong.

Kinumpirma rin ni Nobleza na isang sundalo na nakilalang si Pfc. Jemric Pol Contingo, ang nasawi sa palitan ng mga putok sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Apat na kasama ni Contingo, sina Cpl. Cronel Ducrao, Cpl. Regi Macahilig at Pfc. Noel Notario, ang sugatan sa engkuwentrong naganap.

Ang insidente ay kasunod ng banta ng Dawlah Islamiya nito lang nakalipas na linggo na lulusubin nila ang sentro ng Marogong kung hindi palalayain ng pulisya ang kanilang mga miyembro na naaresto sa mga serye ng police operations sa Lanao del Sur ng nakalipas na ilang buwan.

Marami sa mga nakulong na mga myembro ng Dawlah Islamiya ay naaresto dahil sa pagkakasangkot sa mga krimen katulad ng multiple murder at pagnanakaw ng mga alagang kalabaw at baka ng mga magsasaka.

Ilan naman sa kanila ay nalambat sa mga anti-shabu entrapment operations.

vuukle comment

DAWLAH ISLAMIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with