^

Probinsiya

1-kilong marijuana inabandona sa subdibisyon

ARCHIE MODEQUILLO - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuan ng isang concerned citizen ang isang pakete na nagla­laman ng isang kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, sa gilid ng kalsada ng isang pribadong subdibisyon sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na report ng Antipolo City Police Station, nabatid na dakong alas-7:15 ng gabi nang madiskubre ang naturang pakete sa Crestview Lane, Crestview Subdivision ng Brgy. San Roque.

Napadaan umano roon ang isang concerned citizen at namataan ang pakete na nakabalot sa isang cling wrapper. Nang makitang tila marijuana ang laman nito ay kaagad niyang inireport sa mga otoridad.

Kaagad namang ru­mesponde si PCp.l Geraldo Baccay, kasama ang mga barangay tanod sa lugar. Nang busisiin nila ang pakete ay nadiskubreng marijuana bricks ang laman nito, na tumitimbang ng may isang kilo at tinata­yang nagkakahalaga ng P120,000.

vuukle comment

GERALDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with