Pagkamatay ng mag-asawang Tiamzon kinumpirma ng CPP-NPA

Benito at Wilma Tiamzon
STAR / File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Com­munist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) ang ulat na patay na ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, chairman at secretary general ng central committee ng CPP.

Ayon sa CPP, pina­hirapan muna ang mag- asawang Tiamzon bago pinatay ng mga sundalo.

Base sa kanilang report, naganap ang nasabing pagpatay sa mag-asawang Tiamzon noong August 21, 2022 kung saan kasama ng mga ito ang walo pang guerilla forces sa Catbalogan City.

Hinarang umano ang grupo ng mag-asawang Tiamzon at doon na nawala ang mga ito at hindi na nakita pang muli.

Sa nakalap na impormasyon ng Central Committee, tinorture umano ng militar ang mga rebelde at inilabas sa media na nasawi ang mag-asawang Tiamzon kasama ang walong iba pa nang sumabog ang sinasakyan nilang bangka matapos makasagupa ng tropa ng pamahalaan.

Dahil dito, iginigiit ng partido ang paggawad ng hustisya sa pagkamatay ng kanilang mga kasapi.

Hinihintay pa ang opisyal na pahayag ng AFP.

Show comments