^

Probinsiya

Dating bokal ng Nueva Ecija, itinumba

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Dating bokal ng Nueva Ecija, itinumba
Kinilala ni P/Col. Richard Caballero, Nueva Ecija Police provincial director, ang nasawing biktima na si Zaldy Gonzaga Matias, 65-anyos, may-asawa ng Purok Libis Drive ng nasabing barangay.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dating board member ng ika-4 na distrito ng lalawigang ito habang nakaupo at nagpapahinga sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. San Nicolas ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Richard Caballero, Nueva Ecija Police provincial director, ang nasawing biktima na si Zaldy Gonzaga Matias, 65-anyos, may-asawa ng Purok Libis Drive ng nasabing barangay.

Sa inisyal na ulat ng Gapan City Police, nabatid na alas-7:30 ng gabi, nagpapahi­nga ang biktima sa terasa ng kanyang bahay nang pasukin ng dalawang hindi pa nakikilang suspek at walang habas na pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na isinugod sa Good Samaritan Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Nanungkulan ang biktima bilang bokal mula 2007 – 2010 ngunit bago ito ay nanungkulan ding konsehal ng Gapan City ng tatlong termino mula 1998 hanggang 2007.
Wala pang lead ang pulisya sa motibo sa pagpaslang sa biktima. 
 

vuukle comment

RICHARD CABALLERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with