^

Probinsiya

'Nasobrahan sa hangin': Lalaki patay nang masabugan ng gulong sa vulcanizing shop

Pilipino Star Ngayon
'Nasobrahan sa hangin': Lalaki patay nang masabugan ng gulong sa vulcanizing shop

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay ang isang vulcanizer sa Tuao, Cagayan matapos magkasugat-sugat ang ulo at maputulan ng kaliwang kamay dahil sa pagsabog ng isang gulong sa isang talyer — ang insidente, nangyari raw dahil sa sobra-sobrang pagbomba ng hangin.

Kinilala ang biktima bilang si Romnick Bugar, na isang metro noon ang layo sa gulong na kanyang hinahanginan gamit ang isang compressor.

"'Yung vulcanizer, dahil sa negligence niya, nag-inflate ng gulong gamit 'yung compressor. Pressurized 'yung hangin," wika ni Police Major Jhun Jhun Balisi, hepe ng Tuao Police Station, sa ulat ng GMA Regional TV "One North Central Luzon" nitong Lunes

"[I]niwan niya 'yung gulong na pinapalagyan niya ng hangin at may ginagawa na iba pa. Hindi niya namalayan na nasobrahan siguro ng hangin 'yung gulong. 'Yon ang cause ng pagsabog ng gulong."

Wala pa namang pahayag ang pamilya ng biktima sa ngayon.

Payo tuloy ng Philippine National Police, mag-ingat sa tuwing magsasagawa ng ganitong serbisyo habang isinasang-alang-alang ang kapakanan ng nagpapagawa.

"Huwag tayong negligent on our safety and security. Ganoon din sa customers natin an pupunta para magpabomba, magpa-vulcanize ng gulong," dagdag pa ni Balisi.

"Dapat kung ano ang procedure, kung ano po ang safety tips, ganoon ang gagawin natin." — James Relativo

vuukle comment

CAGAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with