P50K bonus kaloob sa bagong resident doc ng QMC

LUCENA CITY, Philippines — Isa sa nakikitang suliranin ng Quezon Medical Center (QMC) ay ang kakulangan sa doktor, kaya naman bilang bahagi ng programang pangkalusugan ng provincial government ay magkakaloob sila ng P50,000.00 “sign in bonus” para sa mga bagong resident doctors sa iba’t ibang departamento katulad ng Surgery, Internal Medicine, Pediatrics, Anesthesia.   

Kasabay nito, inanunsyo ni Quezon Governor Dra. Helen Tan ang pagbibigay ng  “Governor’s monthly cash incentives” mula sa Sariling Sikap Program na matatanggap ng mga resident doctors tuwing ika-anim na buwan.        

Bahagi ito ng estra­tehiya upang ma­hikayat ang iba pang doktor na piliin ang QMC bilang training facility sa pagpapalawak ng kanilang kakayanan at kaalaman.

Noong Biyernes,  nauna nang ipinagkaloob ang “sign in bonus” ng tatlong bagong hired na doktor na sina Dra. Khristine Anne E. Ona (Internal Medicine), Dr. Dexter A. Del Pilar (Dept. of Surgery) at Dr. Paul Joseph C. Dayo (Dept. of Surgery).

Show comments