^

Probinsiya

Ginang nilamon ng 8-metrong sinkhole!

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Ginang nilamon ng 8-metrong sinkhole!
Danao City police and rescue personnel conduct operation to recover Mejame Papaya, 46, who died after being swallowed by what authorities said was a sinkhole in Barangay Sabang, Danao City (February 5, 2023).
Photo from the Facebook page of Danao City Government

Alagang hayop at bahay nadamay..

MANILA, Philippines — Nilamon ng sinkhole ang isang 46-anyos na ginang kasama ang kanyang alagang hayop at maging ang kanilang bahay ay nadamay matapos lamunin ng malaking sinkhole kasunod ng pag-uga ng lupa sa Danao City, Cebu noong Biyernes ng hapon.

Patay na nang mare­kober ang katawan ng biktima na kinilalang si Mejame Papaya, may-asawa, factory worker ng Minebea Mitsumi Cebu at residente ng Brgy. Sabang, Danao City.

Ayon sa report ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), dakong alas-4:45 ng hapon nang mahulog sa sinkhole si Papaya na nabuo malapit sa kanilang tahanan.

Agad na nagresponde ang search and rescue team na kinabibilangan ng mga pulis, bumbero at maging ng mga tauhan ng CDRRMO at bandang alas-9:50 na ng gabi nang kanilang marekober ang bangkay ng ginang sa sinkhole matapos gamitan pa ito ng backhoe.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Staff Sergeant Allan Vertucio ng Danao City Police Station na si Papaya at kaniyang mister ay nagpapakain ng baboy ng kapwa nila maramdaman ang big­lang malakas na pag-uga ng lupa.

Agad tumakbo ang mag-asawa pero nabiyak ang lupa at nilamon ang biktima kasama ang alaga nitong baboy at kanilang bahay.

Nagawa namang ma­kaligtas ng mister nito nang mabilis na nakatakbo palayo sa lugar.

Nabatid na ang kuluong o sinkhole ay sumusukat ng 8 metrong lalim at lapad na 200 square meters. Ang naturang lugar ay isa umanong quarry site.

vuukle comment

SINKHOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with