Davao de Oro niyanig ng magnitude 6.0 lindol

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.0 earthquake ang New Bataan sa Davao de Oro, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang tectonic earthquake ay naitala alas-6:44, 12 kilometro hilaga ng New Bataan.
Nabatid na naunang nasukat na magnitude 6.1 ang lindol ngunit binago ito ng Philvocs, na sinabing may lalim itong 11 hanggang 27 kilometro.
Naramdaman ito na Intensity V sa New Bataan, Davao de Oro at Intensity IV sa mga lungsod ng Davao, Bislig sa Surigao del Sur.
Samantalang, Intensity III naman sa Damulog, Kadingilan, Kalilangan, Libona, Pangantucan, at Talakag, Bukidnon; Cagayan De Oro City; Cagwait, at Hinatuan, Surigao del Sur.
At Intensity II sa President Roxas, Capiz; San Francisco, Southern Leyte; El Salvador City sa Villanueva, Misamis Oriental; Aleosan, Antipas, Arakan, Carmen, Kabacan, Kidapawan City, Libungan, M’lang, Magpet, Makilala, Matalam, Pikit, at Tulunan, pawang sa Cotabato, Koronadal City sa South Cotabato, Kalamansig, Sultan Kudarat at Cotabato City.
At Intensity I naman sa Esperanza, at Tacurong City, Sultan Kudarat.
Sinabi ng Phivolcs na nakapagtala ng 345 aftershocks sa naganap na 6.0 magnitude na lindol.
- Latest