Bodega sa Roxas City ni-raid: Sako-sakong pekeng sigarilyo samsam

Sa bisa ng search warrant na pinirmahan ni Esperanza Isabel Poco-Deslate, executive judge ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Roxas City, pinasok ang bodegang inuupahan ni Qing Zong Li, isang Chinese national.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakumpiska ang sako-sakong sigarilyo na pinaniniwalaang peke sa ikinasang pagsalakay sa isang warehouse sa Capricho Uno Bldg., Legaspi St., Brgy. V, Roxas City, Capiz, iniulat kahapon ng awtoridad.

Sa bisa ng search warrant na pinirmahan ni Esperanza Isabel Poco-Deslate, executive judge ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Roxas City, pinasok ang bodegang inuupahan ni Qing Zong Li, isang Chinese national.

Dito tumambad sa mga otoridad ang sako-sakong mga pekeng sigarilyo na may brand na Mighty, Marlboro, Fortune, Marvels, Chesterfields, Jackpot at iba pa. Tinatayang nasa mil­yon ang halaga ng mga nakumpiska na mga pekeng sigarilyo.

Ikinagulat naman ni Brgy. Chairman Aileen Leones, ang raid at pag-aresto sa suspek dahil hindi inakalang may warehouse ng pekeng sigarilyo sa kanilang lugar.

Hawak na ng Regional Intelligence Division ang mga nakum­piskang kontrabando na gagamitin sa paghahain ng kaso sa nasabing Chinese national.

Show comments