Higanteng Christmas lantern ng Olongapo City Hall nagliyab

OLONGAPO CITY, Philippines — Nasunog ang isang mala­king Christmas lantern na nakadisplay sa mismong harapan ng Olongapo City Hall, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, ban­dang alas-6 ng gabi nang biglang magliyab ang naturang parol at nagsimulang lumaki ang apoy.

Mabilis namang naka­responde ang mga kagawad ng pamatay sunog at kaagad na naapula ang apoy bago pa man mada­may ang gusali ng city hall.

Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., posibleng faulty electrical wiring ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

Gayunpaman ay ipinag-utos ng alkalde ang mas malalim na imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Bunsod ng pangyayari, ipinag-utos din ni Paulino na idouble check ang electrical system ng city hall upang makaiwas sa pagkasunog ang kanilang gusali. 

Show comments