^

Probinsiya

Motor nasabitan ng jeep: 1 patay, 1 kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Motor nasabitan ng jeep: 1 patay, 1 kritikal
Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Mark Vincent Delos, driver ng motorsiklo habang inoobserbahan sa pagamutan ang backrider nito na si RJ Ocampo; kapwa residente ng Tanza, Cavite.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Isang rider ang patay habang kritikal ang angkas nito makaraang masabitan sila ng kasabayang jeep habang kapwa bumabagtas sa kahabaan ng Barangay Calibuyo, bayan ng Tanza, kamakalawa ng gabi .

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Mark Vincent Delos, driver ng motorsiklo habang inoobserbahan sa pagamutan ang backrider nito na si RJ Ocampo; kapwa residente ng Tanza, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8 ng gabi habang bumabagtas sa nasabing lugar ang magkaangkas na biktima nang masagi sila ng Isuzu rebuilt jitney na (RFG985) na minamaneho ni Niño Lumagui.

Bunsod nito, nakaladkad ang motorsiklo at tuluyang sumemplang ang mga biktima.

Sa ulo agad napuruhan ang driver ng motor na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

CALIBUYO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with