^

Probinsiya

Lab experiment pumalpak, 3 estudyante nasunog!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong high school student ang nagtamo ng sunog sa katawan, matapos pumalpak ang laboratory experiment sa kanilang Science Laboratory kahapon ng tanghali sa Davao de Oro.

Ayon sa principal ng National High School ng Awao, Monkao na si Horacio Lacia, dakong alas-11:28 ng tanghali ay nagsagawa ng science experiment ang adviser ng mga mag-aaral kasama ang tatlong biktima kung saan tinatawag na “Water Cycle” na kabilang sa kanilang aralin.

Sa hindi inaasahang insidente, bigla na lang sumiklab ang apoy sa isa sa mga sangkap ng experiment na “denatured alcohol” kaya tinamaan ng apoy ang mga estudyante.

Ang denatured alcohol ay siyang ginagamit na fuel ng lighter at gamit din sa industrial na isang inflammable material.

Posible umanong mataas ang combustible content sa nasabing sangkap kung kaya’t mabilis na nilamon ng apoy na siyang dahilan ng pagkasunog ng ilang bahagi ng katawan ng tatlong mag-aaral.

Isinugod sa Montevista Provincial Hospital ang mga estudyante na kasalukuyan ngayong nagpapagaling.

SUNOG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with