^

Probinsiya

5 mangingisda nilamon ng karagatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MERCEDES, Camarines Norte, Philippines — Ma­lawakan ang ginagawang search and rescue operation ng mga tauhan ng Mercedes MDRRMO katuwang ang Philippine Coastguard sa malawak na karagatan ng Pacific Ocean matapos na hindi makauwi ang limang mga mangi­ngisda na pumalaot at inabutan ng bagyong Karding noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga nawawalang mangi­ngisda na sina Rodel Quiñones Carullo, 37-anyos, may asawa; Ricky Ignacio Nu­ñez, 40-anyos; Roger Zamora Pun-an, 59-anyos; Gerome Pun-an Plope­nio, 19-anyos at Efren Lo­za­da Jr., 42-anyos, pawang residente ng Purok-3, Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte.

Sa ulat ng Camp Gen. Simeon Ola, alas-5:00 ng umaga sa gitna ng masamang panahon ay pumalaot upang mangisda lulan ng motorized banca na “FB NO NAME”, na pag-aari ni Cristina Gallora Evangelista sina Pu­­n-an, Plopenio at Lozada.

Dakong alas-7:00 naman ng umaga ay sunod na pumalaot gamit ang bangkang pangisda na may pa­ngalan din na “FB NO NAME” na pag-aari naman ni Efren Era Evangelista sakay sina Carullo at Nuñez.

Gayunman, hanggang kahapon na sinusulat ang balita ay hindi pa nakakauwi ang limang biktima at hindi na rin matagpuan ang kanilang mga bangka matapos abutan ng malakas na bagyo sa gitna ng karagatan.

MDRRMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with