^

Probinsiya

4 katao na ilegal na nagtatapon ng basura, timbog

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Apat katao ang inaresto sa ilegal na pagtatapon ng bulto ng basura sa isang pribadong lote sa Barangay Lambingan, Tanza, Cavite.

Inaresto ng mga otoridad sa aktong nagtatapon ng mga basura ang mga suspek na sina Rolando Macosang, Benjie Beramo, Herman Basan Malayo at Roberto Arugay sa Barangay Lambingan.

Nabigo ang mga suspek na magpakita ng mga dokumento na sila ay pinapayagang magtapon sa nasabing pribadong lupain.

Ayon kay P/Major Dennis Villanueva, Tanza police chief na ang mga trak ng basura ay nagtungo sa lugar upang doon itapon ang mga basura tulad ng  mga plastic, diapers, at iba na galing umano sa mga residente sa Silang, Cavite habang ang mga suspek ay mula naman sa Barangay Grace Ville San Del Monte, Bulacan.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 9003 o ang ilegal na pagtatapon ng basura sa prosecutor at kasalukuyang nakakulong na.

BASURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with