^

Probinsiya

OFW, 1 pa nasakote sa higit P100K shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
OFW, 1 pa nasakote sa higit P100K shabu
Kinilala ang mga suspek na sina Luner Ong Cruz, 54-anyos, OFW at ang babaeng kasama nito na si Jeselyn Camerino Mahusay, 46-anyos; kapwa residente ng Brgy. 23, Cavite City.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang 54 -anyos na overseas Filipino worker (OFW) at kasama nito matapos mahulihan ng mahigit P100,000 na halaga ng shabu sa inilatag na drug bust operation ng mga awtoridad kahapon ng madaling araw sa Brgy. 23, Cavite City.

Kinilala ang mga suspek na sina Luner Ong Cruz, 54-anyos, OFW at ang babaeng kasama nito na si Jeselyn Camerino Mahusay, 46-anyos; kapwa residente ng Brgy. 23, Cavite City.

Sa ulat mula kay P/Cpl. Jumar Bedural, may hawak ng kaso, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga ope­ratiba ng Cavite City Police-Drug Enforcement Unit (DEU) dakong alas-6:15 ng umaga sa mismong bahay ng mga suspek matapos ang ilang araw na surveillance.

Nakumpiska sa ope­ras­yon ang 3-plastic sachet na naglalaman ng mga shabu na aabot sa may mahigit 16 gramo at tinatayang may hala­gang P108,800, mga drug paraphernalia at buy-bust money na ginamit sa operas­yon.

vuukle comment

OFW

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with