^

Probinsiya

Guwardya ng SM nagsoli ng bag, pinuri

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Ipinagmamalaki at pinasalamatan ng SM Megacenter ang isa nilang security guard na si Ryan Asuncion makaraang isauli nito ang bag ng kustomer na may lamang P79,735 cash at isang smartphone, kamakailan. 

Bunsod ng ipinamalas na katapatan, pinuri ni Francis Nuega, customer relation’s manager ng nasabing mall ang mabuting gawa ni Asuncion na sa kabila ng krisis dulot ng pandemya ay hindi nagpasilaw sa pera at mamahaling gadget, at ginawa pa rin nito ang kanyang tungkulin na nakasentro sa katapatan at integridad.

“Nawa’y maging ins­pirasyon ito sa lahat na maging isang man of honor at dedikasyon sa paglilingkod sa ating mga minamahal na SM customers ng may katapatan at malasakit. Sa ngalan ng pamunuan ng SM at ng ahensya ng seguridad ay lubos naming ipinagmamalaki si SG Asuncion,” pahayag ni Nuega.

Si Asuncion ay nagmula sa isang simple at masipag na pamilya at nakatira sa Llanera, Nueva Ecija kasama ang asawang si Jamaica Leslie at kanilang anak na babae. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho bilang security guard sa SM sa ilalim ng RJC Corporate Security & Service Inc.

Labis namang nagpasalamat si Mary Joyce Rapsing, taga-Barangay Matawe, Dingalan, Aurora, at nagmamay-ari ng napulot na bag, sa kabutihan at katapatan na ipinamalas ni Asuncion. 

GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with