^

Probinsiya

Ex-vice mayor ng Batangas itinumba sa party

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

Binaril habang nagtatalumpati

BATANGAS, Philippines — Patay ang 61-anyos na dating vice-mayor sa bayan ng Lobo ng lalawigang ito matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek habang nagtatalumpati sa isang debut party nitong Huwebes ng gabi.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Batangas Medical Center ang biktima na si dating vice mayor at Sangguniang Bayan secretary Romeo Sulit dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.

Ayon kay Capt. Roy Cuevas, hepe ng Lobo Police Station, bandang alas-12:34 ng madaling-araw nitong Biyernes nang ideklarang patay si Sulit habang nilalapatan ng lunas sa naturang ospital.

Sa imbestigasyon, nagsasalita sa harap ng mga bisita sa dinaraos na debut party si Sulit sa Barangay Tayuman nang lapitan ng gunman at barilin sa likod ng ulo nito bandang alas-8:05 ng gabi.

Ayon sa mga saksi, nakasuot ng kulay green na jacket, black na short pants at sumbrero ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Naisugod pa sa Lobo District Hospital si Sulit bago inilipat sa Batangas Medical ­Center pero binawian din ng buhay.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo at responsable sa krimen.

EX MAYOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with